Pilipinas, hindi dapat mag-donate ng bakuna sa ibang bansa

Para kay Senator Francis Tolentino, makabubuting gamitin ang mga sobra nating COVID-19 vaccine para pasiglahin ang turismo sa halip na i-donate o ibigay ito sa ating mga karatig na bansa.

Ayon kay Tolentino, maaring bigyan ng gobyerno ng libreng bakuna ang mga dayuhang turista pagdating nila sa bansa at pwede rin silang bigyan ng second dose pag-alis nila.

Mungkahi ito ni Tolentino makaraang sabihin ni Dr. Ted Herbosa, medical adviser ng National Task Force Against COVID-19 na dahil sapat na ang suplay natin ng bakuna ay may tinatanggihan na ang gobyerno na donasyong bakuna at maari na rin tayong mag-donate sa ibang bansa sa Southeast Asia.


Paliwanag ni Tolentino, marami pang dapat bigyan ng mga bakuna rito sa ating bansa bukod sa ipinangutang din ito ng gobyerno.

Facebook Comments