Hindi dapat tumigil ang Pilipinas sa pagbabantay sa ating karagatan na bahagi ng pinag-aagawang teritoryo.
Ito ay kasunod ng panibagong 14 na Chinese fishing vessels na namataan sa Julian Felipe Reef sa gitna ng mga paghahain ng Pilipinas ng diplomatic protest laban sa China.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ng Maritime expert na si Professor Jay Batongbacal na mas kailangang maging makulit ng Pilipinas lalo na’t naging matagumpay naman ang pagpapaalis sa ilang barko ng China.
Samantala, sinabi naman ni Senator Risa Hontiveros na oras na para manindigan ang Malacañang at komprontahin ang China na kanila umanong “bestfriend”.
Una nang kinondena ng United Nations ang ginagawang pag-angkin ng China sa Julian Felipe Reef na matatagpuan 175 nautical miles sa kanluran ng Palawan at sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.