Nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi inaabandona ng Pilipinas ang claim sa Julian Felipe Reef.
Kasunod ito ng umano’y pahayag niya na hindi pag-aari ng Pilipinas ang Julian Felipe Reef.
Ayon kay Roque, bagama’t ang Julian Felipe reef ay hindi sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa dahil kabahagi ito ng territorial sea ng Mckennan, nakasaad sa Marcos Presidential Decree na tungkulin ng bansa na isulong ang claim sa pamamagitan ng diplomasya o sa hurisdiksiyon ng international court of justice.
Aniya, pinalalaki lang natin ang usapin dahil ang totoong nag-aagawan sa Julian Felipe Reef ay ang Vietnam at China.
“Ang claim po natin Julian Felipe is an island, and an island generates maritime territory. Pero ni hindi nga po iyan kabahagi noong ating arbitration, napakalayo po talaga niyan sa atin. Pero hindi po natin binabalewala ang ating claim, ang sinasabi ko lang eh bakit ba binabato na naman sa Presidente iyan, eh wala namang isyu na hindi tayo in possession of that part of the disputed West Philippine Sea ,” ani Roque.
Si Presidential Spokesman Harry Roque.