Sunday, January 18, 2026

Pilipinas, hindi kailanman magiging probinsya ng China

Ikinadismaya ni Senator Risa Hontiveros ang pagtukoy sa Pilipinas sa Facebook at Instagram bilang probinsya ng China.

Ayon kay Hontiveros, kung joke o pagbibiro lang ito ay nakakagalit pakinggan.

Diin ni Hontiveros, katunog ito ng pagtaboy sa mga mangingisda sa sarili nating mga karagatan at sa propaganda ng ‘Wow China’ na ini-ere sa sarili nating radio station.

Dagdag pa ni Hontiveros, katunog din ito ng mga isla nating unti-unti sinasakop ng China.

Bunga nito, hinikayat ni Hontiveros ang mga Pilipino na lakasan ang tapang upang kailanman ay hindi tayo mapabilang o maiturong bilang Province of China.

Facebook Comments