Pilipinas, hindi kailanman matitinag sa pambu-bully ng China — Revilla

Iginiit ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., na hindi kailanman matitinag ang bansa sa ginagawang pang-ha-harass at pambu-bully ng China.

Kaugnay pa rin ito sa pinakahuling insidente ng pagbangga ng barko ng China sa resupply boat ng bansa sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni Revilla, na karaniwang ang mga gumagamit ng lakas o pagmamalabis ay kadalasang wala sa tama.


Dahil sa huling ginawa ng China na muntik na ikapahamak ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG), sinabi ng senador na lubhang nakakabahala na ang nangyayari.

Magkagayunman, ipinababatid ni Revilla sa lahat lalo na sa China na kahit gaano pa katindi ang pambu-bully ay hindi hindi patitinag ang Pilipinas.

Dagdag ng mambabatas, hindi kailanman isusuko ng bansa ang pagprotekta sa ating teritoryo at karapatan dahil sa mga ginagawa ng China.

Facebook Comments