Pilipinas hindi kakapusin sa bigas kahit itigil ang importation ayon sa tagapagsalita ng D.A

Magiging sapat parin ang supply ng bigas sa bansa yan ay kahit pa ipatigil ang importasyon.

 

Ito ang tiniyak ng taga pagsalita ng Department of Agriculture sa harap na rin ng kagustohan ni PDU30 na itigil ang pag aangkat nito.

 

Ayon kay Agriculture Spokesperson Noel Reyes napakaraming bigas ngayon lalot nasa panahon ng anihan.


 

Sa ilang probinsya pa nga may pagkakataong mababa ang bili sa mga palay dahil sa dami ng supply.

 

Sa Pangansinan 10 hanggang 14 pesos ang kada kilo ng palay.

 

Gayunman para hindi malugi ang magsasaka patuloy ang pag bili ng LGUs, ng NFA at ng DSWD sa mga magsasaka ng palay sa halagang 19 pesos per kilo.

Facebook Comments