Iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi kakayanin ng Pilipinas na bakunahan ang 70% ng populasyon ng Pilipinas laban sa COVID-19 sa loob ng isang taon.
Ito ang pahayag ng DOH matapos sabihin ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na ang pagpapabakuna sa higit 100 milyong Pilipino ay posibleng abutin ng limang taon.
Ayon kay Health Secretary Maria Rosario Vergeire, kulang ang resources ng bansa at hindi rin sapat ang bakunang makukuha ng bansa sa susunod na taon.
Pahirapan din ang pagpapatupad ng immunization campaign.
Pero sinabi ni Vergeire na nagawa ng Pilipinas na mabakunahan ang 85% ng 22.9 million Filipinos sa loob lamang ng isang buwan at nangyari ito sa taong 1998.
Sa ngayon, walang ibibigay ang DOH na timeline para sa pagpapatupad ng COVID vaccination.