
Hindi kasama ang Pilipinas sa mga bansang binigyan ng Estados Unidos ng 0% tariff rate para sa ilang produkto mula sa ASEAN.
Batay sa mga ulat mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, ang mga bansang nakinabang sa zero tarrif ay Thailand, Malaysia, at Cambodia.
Saklaw ng polisiya ang mga produktong gaya ng aerospace equipment, gamot, palm oil, cocoa, at rubber, na mga produktong dati’y may taripa na umaabot hanggang 19%.
Layunin ng Amerika na pabilisin ang kalakalan at pagpasok ng mga kritikal na produkto sa ASEAN market.
Pero paliwanag kay Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go, sinadya ng Pilipinas na hindi sumali muna sa kasunduan para maprotektahan ang lokal na industriya ng bigas, mais, asukal, at manok.
Paliwanag pa ni Go, dalawa lamang sa mga bansa sa ASEAN ang pormal na tumanggap ng zero-tariff deal kapalit ng pagbubukas ng kanilang merkado para sa mga produktong agrikultural at industriyal ng Amerika.
Samantala, paalis na ulit ng Pilipinas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong South Korea ngayong tangahali para dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting sa Gyeongju hanggang November 2.
Itinalaga ng Pangulo bilang caretaker ng bansa sina Executives Secretary Lucas Bersamin, Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella, at Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara.









