Nanindigan ang Malacañang na hindi maaaring makipaggiyera ang Pilipinas sa China o sa anumang bansa dahil limitado ang military resources nito.
Ito ang sagot ng Palasyo sa harap ng mga alegasyon hinggil sa kawalan ng pagiging makabayan ni Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin niya na hindi niya kayang magmatapang sa China.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi ‘unpatriotic’ ang sinabi ng Pangulo.
Iginiit ni Roque na hindi basta-basta pwedeng makipagbakbakan ang Pilipinas sa ibang bansa lalo na sa kasalukuyang estado ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Matatandaang pinagsabihan ni Pangulong Duterte ang US na magbayad kung nais nilang panatilihin ang Visiting Forces Agreement sa Pilipinas.
Facebook Comments