Pilipinas, hindi maaaring pilitin ang UN General Assembly na suportahan ang arbitral ruling – Palasyo

Malabong hikayatin ng Pilipinas ang United Nations (UN) na suportahan ang claims ng bansa sa West Philippines Sea (WPS).

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos hamunin ng France, United Kingdom, at Germany sa UN ang pag-aangkin ng China sa halos buong South China Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ikinagagalak nila ang hakbang ng tatlong European countries na kontrahin ang claims ng China sa pinagtatalunang teritoryo.


Pero para sa Pilipinas, sinabi ni Roque na hindi nila i-aakyat ang isyung ito sa UN.

Iginiit ni Roque na kailangang maging realistic lalo na at limitado ang kakayahan ng Pilipinas kung ang kalaban ay China.

Wala na ring kailangang gawin ang Pilipinas para igiit ang claims nito sa West Philippines Sea lalo na at nanalo ang bansa sa Permanent Court of Arbitration noong 2016 kung saan ipinapawalang saysay ang territorial claims ng China.

Facebook Comments