Pilipinas, hindi mababaon sa utang sa China – DOF

Nilinaw ng Department of Finance (DOF) na hindi baon sa utang ang Pilipinas sa China.

Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, kung tutuusin ay malaki pa rin ang utang ng Pilipinas sa Japan.

Aniya, mas mataas rin ang tubo ng Japan kumpara sa China.


Sabi pa ni Lambino, walang idineklarang collateral ang Pilipinas para sa mga utang sa China.

Iginiit pa ni Lambino, malabong mabaon sa utang ng Pilipinas dahil na rin sa magandang itinatakbo ng ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments