Pilipinas, hindi magkakaroon ng bakuna kung hindi dahil kay Pangulong Duterte – Roque

Iginiit ng Malacañang na hindi magkakaroon ng COVID-19 vaccine ang Pilipinas kung iba ang naging pangulo ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinasalamatan niya ang mga Davaoeños dahil ipinahiram nila si Pangulong Rodrigo Duterte para sa bansa.

Ipinagmalaki ni Roque ang pagdating ng 600,000 doses ng Sinovac vaccines at 487,200 doses ng AstraZeneca mula sa COVAX Facility.


Naging posible aniya ito dahil sa pinaiiral ni Pangulong Duterte na independent foreign policy.

Facebook Comments