Pilipinas, hindi magpapatupad ng travel ban sa Hong Kong sa kabila ng mataas na kaso ng COVID-19

Hindi isasara ng Pilipinas ang pintuan sa Hong Kong sa kabila ng nagpapatuloy na Omicron surge doon.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles tuloy pa rin ang flights ng mga eroplano mula Pilipinas papunta sa Hong Kong at vice versa.

Ani Nograles, matagal nang polisiya ng Duterte administration na walang Pinoy o Overseas Filipino Workers (OFWs) saan mang sulok ng mundo na nagnanais makauwi ng Pilipinas ang hindi papayagan na makapasok sa bansa.


Samantala, sinabi ni Nograles na kung mismong Hong Kong government ang magsasara ng pintuan para sa mga Pinoy na galing sa Pilipinas ay wala na silang maggagawa hinggil dito.

Sa ngayon, nakakaranas ang Hong Kong ng 5th wave ng COVID-19 dahil sa Omicron surge.

Facebook Comments