Nanindigan ang Malacañang na hindi sila makikipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) sa gitna ng nakatakdang pag-iimbestiga nito sa War on Drugs ng administrasyon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, binawi na ng Pilipinas ang pagiging miyembro nito sa Rome Statute, at kumalas na rin ang bansa sa obligasyon nito na makipagtulungan sa ICC.
Punto pa ni Roque, ang inter-agency panel na pinamumunuan ng Department of Justice (DOJ) ang nag-iimbestiga sa libu-libong anti-drug operations ng pulisya.
Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang magpakulong sakaling mapatunayan ang crimes against humanity sa kampanya laban sa ilegal na droga.
Facebook Comments