Pilipinas, hindi na dadaluhan ang climate change conferences

Hindi na makikiisa sa mga climate change conferences ang Pilipinas.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin, hindi na niya papayagan ang pagdalo ng Pilipinas sa mga climate change talks sa ibang bansa.

Wala na anyang dahilan para pag-usapan ang isyu.


Giit ni Locsin, boboto na lang ng “Yes” ang Pilipinas sa radical proposals sa usapin ng climate change at hindi na makikiisa pa sa mga pulong.

Matatandaang una nang kinuwestyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rationale o katuwiran sa paglahok sa mga international talk hinggil sa climate change dahil wala naman aniyang entity na magpapatupad ng mga batas para protektahan ang usapin ng klima.

Facebook Comments