Manila, Philippines – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kailangang magbigay ng diplomatic protest ang Pilipinas sa China kaugnay sa umanoy pananakop nito sa Sandy Cay o Sand Bar malapit sa Pagasa Island.
Ayon kay Pangulong Duterte, sa kanyang palagay ay hindi ito pananakop at nagpapatrolya lamang doon ang mga barko ng China kaya walang pangangailangan na maghain ng diplomatic protest.
Wala aniya siyang nakikitang mali dito dahil magkaibigan naman sila ng China.
Paliwanag pa ng Pangulo, kung noon ay hindi nakapapasok ang mga mangingisdang Pilipino doon sa nasabing lugar, ngayon ay free for all na ang pangingisda matapos silang makipagusap sa China.
Tiwala naman si Pangulong Duterte na hindi babaliin ang China ang kanilang pagtiyak na hindi nito sinasakop ang nasabing Sand Bar.
Pilipinas hindi na kailangan magpadala ng diplomatic protest laban sa China ayon kay Pangulong Duterte
Facebook Comments