Pilipinas, hindi na kailangang mag-angkat ng bigas hanggang sa susunod na taon

Tiniyak ni Senator Imee Marcos na hindi na kailangang mag-angkat ng bigas hanggang sa susunod na taon.

Ayon kay Marcos, walang dahilan ang Department of Agriculture (DA) para humirit ng importasyon ng bigas dahil kayang punan ng lokal na suplay ang pangangailangan ng mga consumer.

Kumpiyansa ang senadora na maganda ang produksyon ng mga magsasaka at tiyak na sosobra pa ito sa domestic supply.


Paliwanag ni Marcos, sa third quarter ng taon ay inaasahang aabot sa 5.13 million metric tons (MT) ang lokal na produksyon ng bigas na sosobra pa sa lokal na pangangailangan ng bigas na nasa 3.7 million metric tons.

Maging sa fourth quarter kung saan inaasahan ang 6.24 million MT na suplay ng maaaning bigas ay lalagpas din sa pangangailangan na nasa 4.02 million MT lang.

Dahil dito, mayroong 3.65 million MT na kabuuang buffer stock ng bigas sa katapusan ng taon at ito ay tatagal ng 55 hanggang 60 araw ng susunod na taon.

Facebook Comments