Pilipinas, hindi na kulelat sa COVID-19 Resilience report ng Bloomberg

Hindi na kulelat ang Pilipinas sa COVID-19 Resilience report ng Bloomberg para ngayong buwan ng Disyembre.

Batay sa datos, umakyat ang ranking ng bansa sa 50th mula sa 53rd lugar sa buong mundo na pinaka-worst na tirhan dahil sa epekto ng COVID-19.

Nakakuha ito ng score na 52 dahilan para maungusan ang Indonesia, South Africa at Vietnam na nasa 51 hanggang 53 pwesto.


Tatlong buwan nangulelat ang Pilipinas sa ranking na naging batayan ang lawak ng pagbabakuna, lockdown, bilang ng kaso ng COVID-19 at iba pa.

Nangunguna sa ranking ang Chile na nasa unang pwesto, sinundan ng Ireland, U.A.E, Finland at Canada.

Facebook Comments