Wala nang aasahang 2nd batch ng Inter agency contigent ng Pilipinas na ipadadala sa Türkiye.
Ayon kay Office of Civil Defense Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, mismong ang Turkish government na ang nagsabing hindi na kailangang magpadala ng karagdagang team ng Pilipinas para tumulong sa mga naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Türkiye.
Sinabi ni Alejandro na lumagpas na kasi ang mahigit 100 oras na life saving time para sa mga biktima ng lindol base na rin sa direktiba ng Turkish government.
Hindi rin aniya matiyak sa ngayon kung palalawigin pa ang dalawang linggong misyon ng Philippine contingent sa Türkiye.
Sa ngayon, nasa ika-apat na araw na ang Emergency Medical and Urban Search and Rescue Operations ng Philippine contingent sa Adiyaman, Türkiye.