Hindi na magpapadala pa ang Pilipinas ng overseas Filipino workers (OFWs) sa bansang Oman.
Ito ang sagot ng Department of Labor and Employment (DOLE) matapos isama ng Sultanate ang mga OFWs sa kanilang travel ban.
Nangangahulugan lamang ito ang mga OFWs na gustong pumunta ng Oman ay hindi na palulusutin pa sa mga paliparan doon.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III na nakatanggap siya ng communication mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) at inirekomenda nilang magpatupad din ang Pilipinas ng deployment ban sa Oman.
Sumbat pa ni Bello, wala namang ginawang kasalanan ang mga OFWs para sila ay isama sa travel ban.
Kinausap na ni Bello si Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia para sa pagdedeklara ng deployment ban.