Pilipinas, hindi na magpapadala ng search and rescue team sa Syria

Sa halip na Philippine contingent, cash donations na lamang ang ipapadala ng Pilipinas sa Syria na kasabay na niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ng Türkiye.

Ayon kay Civil Defense Spokesperson Assistant Secretary Raffy Alejandro IV, ito ang pinal na desisyon ng pamahalaan maging ng Syrian government.

Aniya, sa ngayon, hinihintay na lamang ang approval ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa pagpapadala ng tulong pinansyal sa nasabing bansa.


Huhugutin aniya ang pondo mula sa Office of the President o sa DFA.

Dagdag pa nito, nagpapatuloy ang ginagawang pagtulong ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent sa mga nabiktima ng lindol sa Türkiye kung saan mahigit 250 indibidwal na ang nabigyan ng atensyong medikal at ongoing din ang search and retrieval operations ng mga nasawi sa lindol sa Adiyaman.

Facebook Comments