
Iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi nagustuhan ng Pilipinas ang airstrikes ng Israel sa Doha, Qatar.
Sa statement na inilabas ng DFA, inihayag nito na ang naturang pag-atake sa Doha ay labag sa international law, partikular sa fundamental principles ng sovereignty at territorial integrity na nakapaloob sa United Nations Charter.
Iginiit din ng Pilipinas ang ceasefire ng dalawang partido sa pagresolba sa conflict sa Gaza bilang pagtalima na rin sa International Humanitarian Law.
Layon din nito na maprotektahan ang mga sibilyan at para magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa Middle East.
Tiniyak naman ng DFA na patuloy na mino-monitor ng Philippine Embassy sa Doha ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Qatar.
Nabatid na target ng airstrike ng Israel sa Doha ang lider ng Hamas na nakikipagnegosasyon ngayon sa Qatari government.









