Pilipinas, hindi nakapasok sa top 10 Most-Gender Equal Countries ng World Economic Forum

Hindi nakapasok ang Pilipinas sa top 10 Most-Gender Equal Countries sa mundo.

Base Global Gender Gap Report 2020 ng World Economic Forum (WEF), bumaba ng walong pwesto ang Pilipinas.

Mula sa 8th Place ay bumaba na ito sa 16th mula sa 153 bansa.


Ayon sa WEF, pagbaba ng ranggo ng Pilipinas ay dulot ng mababang representasyon ng mga kababaihan sa Gabinete.

Sa kabila ito, nanantiling nangunguna ang bansa sa asya habang pangalawa sa East Asia at Pacific.

Lumalabas na matatag ang performance ng Pilpinas sa tatlo mula sa apat na kategorya, kabilang na rito ang Economic Participation and Opportunity, Educational Attainment, Health and Survival, at Political Empowerment.

Facebook Comments