Pilipinas, hindi napapag-iwanan sa COVID-19 vaccines – Nograles

Tiniyak ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na hindi napapag-iwanan ang Pilipinas sa supply ng COVID-19 vaccines.

Ito ang kanyang pahayag matapos aminin ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang katiyakan kung kailan magkakaroon ng sapat na supply ng bakuna ang bansa sa harap ng global shortage.

Ayon kay Nograles, hindi lamang iisang bansa ang pinagkukunan ng bakuna ng Pilipinas.


Hindi aniya nakadepende ang bansa sa ilang vaccine manufacturers lamang.

Sinabi ni Nograles na mayroon ang pamahalaan na portfolio na pito hanggang walong vaccine manufacturers.

Nakakakuha na rin ang Pilipinas ng bakuna mula sa China at Russia habang naghihintay ang bansa ng supply mula sa western countries, kabilang nag COVAX Facility ng World Health Organization (WHO).

Mayroong vaccine manufacturers din ang may nakabinbing application sa Food and Drug Administration (FDA).

Facebook Comments