Naniniwala ang isang eksperto na hindi pa handa ang Pilipinas na ibaba sa Alert Level 0 o ang tinatawag na new normal.
Ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Cecilia Maramba Lazarte, hindi pa nito nakikita ang bansa sa mas maluwag na retriskyon sa lalong madaling panahon.
Dagdag pa ni Lazarte, may mga bansa pa rin na nananatiling mataas ang kanilang kaso ng COVID-19.
Mababatid na patuloy ang pagbaba ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas matapos makapagtala ng record-high na bagong kaso noong Enero bunsod ng Omicron variant.
Facebook Comments