Pilipinas, hindi pa nakakapagtala ng Omicron sub-variant

Wala pang nade-detect ang Department of Health (DOH) ng sub-lineage ng Omicron variant sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang BA.2 o Omicron sub-variant ay nadiskubre isang linggo matapos ma-detect ang Omicron.

Aniya, may kapasidad naman ang bansa na matukoy ang sub-lineage ng Omicron.


Tiniyak din ni Health Secretary Francisco Duque III na nakikipag-ugnayan na sila sa World Health Organization (WHO) hinggil sa BA.2 na isang variant under investigation (VUI).

“Ang kaniyang kategorya ay variant under investigation (VUI), hindi pa siya variant of concern ‘no. So, VUI siya at ang ating ED ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga kinatawan ng World Health Organization. Iyong country office natin ay binibigyan tayo ng pinakahuling datos patungkol sa mga katangian ng bagong variant na ito. Pero so far, ang mga limitadong datos nagpapakita na hindi naman ito parang naiiba talaga sa Omicron variant,”

Facebook Comments