Thursday, February 12, 2026

Pilipinas, hindi padadala sa palaban na estilo ng bagong Chinese Ambassador

Mananatiling kalmado at diplomatiko ang pamahalaan sa kabila ng mas palaban na tindig ng bagong Chinese Ambassador kaugnay ng mga isyu sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro, walang babaguhin ang bansa sa paraan ng pagharap nito sa China.

Hindi aniya solusyon ang pagiging agresibo para maresolba ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang panig.

Binigyang diin ni Castro na ang posisyon ng Pilipinas ay mananatiling nakaangkla sa batas at diplomasya.

Sa pamamagitan aniya ng mahinahon ngunit matatag na pakikipag-usap, layunin ng gobyerno na maresolba ang anumang sigalot nang hindi isinusugal ang interes ng bansa.

Facebook Comments