Pilipinas, hindi pipili ng papanigan sa US at China sa usapin ng maritime security

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na parehong mahalaga ang papel ng United States at China sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa Asia-Pacific Region.

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi pipili ng papanigan ang Pilipinas at hindi paiinitin ang tensyon sa rehiyon.

Giit pa ng pangulo, bagama’t may parehong ugnayan sa US at China ay may sariling foreign policy ang bansa.


Matatandaang bumuo ang Pilipinas at ang US ng bilateral defense guidelines upang gawing moderno ang alliance cooperation sa Indo-Pacific Region.

Sa parte naman ng China, patuloy ang aktibidad nito sa resource-rich sea sa kabila ng arbitral ruling na nagbabasura sa pag-angkin nito sa West Philippine Sea.

Sinabi rin ni Pangulong Marcos, na ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China ay hindi dapat makaapekto sa ugnayan ng Maynila at Beijing.

Facebook Comments