Pilipinas, hindi pwedeng igiit ang karapatan nito sa West Philippines Sea

Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maaaring igiit ng Pilipinas ang karapatan nito sa pinagtatalunang West Philippines Sea.

Sa kanyang talumpati sa Filipino Community sa Moscow, Russia ayon sa pangulo, sasabak ang isang Pilipinas sa isang giyerang matatalo lamang ang bansa.

Binanatan din ng pangulo ang Estados Unidos at sinabing hindi tutulong ang Amerika kapag sumiklab ang giyera sa China.


Giit ng pangulo, maipapatupad lamang ang mutual defense treaty sa pagitan ng Pilipinas at US kapag may nangyaring aggression.

Matatandaang noong July 2016, napanalunan ng Pilipinas ang Arbitral Ruling laban sa China na nagpapawalang-saysay sa pag-aangkin nito sa buong South China Sea.

Facebook Comments