“Might makes it right”
Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bahagi ng kanyang Talk to the Nation Address kagabi kung saan iginiit niya na hindi maaaring makipagkompitensya ang Pilipinas sa China dahil hindi ito kakayanin ng Asian Giant.
Para kay Pangulong Duterte, ang kailan ng Pilipinas ay magsalita lamang ng magsalita hanggang sa dumating sa pahanong maitatama ang lahat ng mga bagay.
“I was frank enough in the early days and I said that might makes it right. And we are not unfortunately on the side of might, so we can’t do anything because we can’t be in parity, in force,” sabi ni Pangulong Duterte.
Muling idinaing ni Pangulong Duterte ang publiko at ang oposisyon na patuloy siyang pinupuna dahil sa hindi paghingi ng tulong sa United Nations (UN) para ipatupad ang 2016 arbitral award.
“This is really the dilemma of the nation. For me, Sir, the beginning of this problem was when we retreated. And since then ‘yung mga (all the) paperworks about that the arbitral award has become meaningless,” ani Pangulong Duterte.
Para naman kay dating Senator Juan Ponce Enrile na unang beses na panauhin sa lingguhang address ng Pangulo, sinabi niya na kahit maglabas ang UN ng resolusyon ay wala pa rin itong police force.
“Sa level ng mga bansa mananatili diyan eh kung ano ang kakayahan mo kontra sa kabila, iyon lang. What operates in the level of relations, Mr. President, is what we call the law of nature, the law of force, and nothing more. That is international law,” ayon kay Enrile.