Iginiit ni retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na hindi maaaring tiklop lang ang Pilipinas sa harap ng mga aktibidad ng China sa West Philippine Sea.
Aniya, isang “childish mentality” kung hahayaan na lang ng Pilipinas ang China dahil lang sa matigas ang ulo nito.
Para kay Carpio, ang pagkakaroon ng UN resolution na pabor sa Pilipinas ay isa nang malaking tagumpay dahil nangangahulugan ito na nasa likod ng bansa ang world community.
Matatandaang binanatan ni Pangulong Roridgo Duterte si Carpio dahil sa pagkwestiyon nito sa pananahimik niya sa mga aktibidad ng China sa mga teritoryong sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Isinisi rin ng pangulo sa mga opisyal ng administrasyong Aquino ang mapanirang pananakop ng China sa West Philippine Sea na aniya’y nangyari sa termino nito.