Pilipinas, hindi sasabak sa giyera sa gitna ng tensyon sa Taiwan at China —Malacañang

Nilinaw ng Malacañang na hindi sasabak sa giyera ang Pilipinas sa harap ng tumataas na tensyon sa pagitan ng China at Taiwan.

Pahayag ito ng Palasyo kasunod ng naging pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen Romeo Brawner Jr. na dapat maghanda ang mga sundalo sa pagpapauwi sa mga Pilipino mula Taiwan, na tila nabigyan ng ibang kahulugan.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, matagal nang pinag-uusapan na ang planong magsagawa ng repatriation sa hanay ng mga Pinoy sa Taiwan at itoy bunsod na rin ng pinangangambahang pananakop ng mainland China.


Nabigla aniya sila sa Palasyon na tila iba ang naging dating sa mga balita.

Pero ang pinupunto lamang dito ni Brawner ay ang kailangang paghananda ng Northern Luzon Command para maiuwi ang mga Pinoy at hindi para makipag-giyera.

Facebook Comments