Pilipinas, hindi sasali sa military drills ng anumang bansa sa South China Sea ayon kay Delfin Lorenzana

Hindi makikilahok ang Pilipinas sa maritime drills na isasagawa ng anumang bansa sa South China Sea, maliban na lamang kung gagawin ito sa loob ng 12-nautical mile Exclusive Economic Zone (EEZ).

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nag-utos para maiwasan ang paglala ng tensyon sa pinagtatalunang karagatan.

Umaasa si Lorenzana na ang lahat ng mga magsasagawa ng military exercises sa lugar ay mapanatili ang kanilang pag-iingat at pagiging mahinahon.


Naniniwala si Lorenzana, ang pagsama ng Pilipinas sa Estados Unidos ay tiyak na magpapataas lamang ng tensyon sa pagitan ng ating bansa at ng China.

Nabatid na magpapadala ang US ng kanilang nuclear-powered warships sa South China Sea bilang tugon sa agresibong hakbang ng China sa lugar.

Facebook Comments