Pilipinas, hindi titiklop sa China sa harap ng collision incident sa West Philippine Sea

Hindi aatras ang Pilipinas sa China sa harap ng panibagong insidente ng salpukan ng Chinese Vessels at Philippine Vessels sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, ipagpapatuloy pa rin ang resupply missions para sa mga sundalong naka-posisyon sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa kabila ng mga pangha-harass ng China.
Nanindigan rin ang National Security Council (NSC) na lehitimong aktibidad ang resupply mission sa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone batay na rin sa International Law.

Hinimok naman ng bagong Philippine Coastguard Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang China na sumunod sa maritime safety provisions ng UNCLOS at Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea para maiwasan ang mga insidente sa karagatan.
Facebook Comments