Hinihintay ng Pilipinas ang counter proposal ng Pfizer sa indemnity agreement na isinumite sa kanila ng pamahalaan.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., kailangang magkaroon ng bilateral agreement sa indemnification clause ang pamahalaan at ang vaccine maker.
Aniya, nabigla sila nang humingi ang Pfizer ng indemnity agreement para sa kanilang mga COVID-19 vaccines.
Makikipagpulong ang pamahalaan sa mga opisyal ng Pfizer ngayong araw para ipagpatuloy ang negosasyon para sa supply ng bakuna.
Nabatid na nakatakda na sanang ipadala ang unang batch ng Pfizer-BioNTech vaccines sa bansa pero nakabinbin ito dahil hindi pa naipaplantsa ang indemnity agreement.
Facebook Comments