Pilipinas, humakot ng gintong medalya sa 9th ASEAN Para Games

Manila, Philippines – Naging maganda ang kampanya ng Pilipinas sa kakatapos na 9th ASEAN Para Games.

Nakalikom ang bansa ng 20 gintong medalya, mataas kumpara sa 16 na medalya sa Singapore Games.

Nanguna ang athletics team na may siyam na ginto.


Apat na ginto naman ang nakuha ng chess team kahit hindi nasungkit ang 7th gold medal prediction.

Tatlo ang naiuwi ng swimming team habang mayroon din sa powerlifting, cycling at bowling

Bukod dito, nakahakot din ng 20 silver at 29 bronze medals.

Facebook Comments