Pilipinas, humingi na rin ng suporta sa Mongolia kaugnay ng kandidatura ng Pilipinas sa UN Security Council

Ipinaabot na rin ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa Mongolia ang paghingi ng suporta sa kandidatura ng Pilipinas sa United Nations Security Council sa 2027 hanggang 2028.

Kasunod ito ng pagpupulong nina Secretary Manalo at Mongolian Foreign Minister Batmunkh Battsetseg.

Sa kanyang state visit sa Mongolia, nagkasundo rin ang dalawang opisyal hinggil sa pagtutulungan ng Pilipinas at Mongolia para mabawasan ang impact ng kalamidad.


Sa harap ito ng madalas na pagtama ng mga kalamidad sa dalawang bansa.

Ipinaabot din ni Sec. Manalo sa Mongolian government ang pagkilala ng Pilipinas sa international law at sa rules-based international order partikular ang 1982 UNCLOS.

Lumagda rin sina Secretary Manalo at Minister Battsetseg sa Memorandum of Understanding hinggil sa sports cooperation.

Facebook Comments