Pilipinas, ibinaba na sa low risk sa travel risk assessment ng US-CDC

Ibinaba na sa “low risk” ang Pilipinas sa travel risk assessment ng United States Centers for Disease Control and Prevention (US-CDC).

Batay sa pinakahuling datos ng US-CDC, tanging ang Pilipinas at Myanmar lamang ang mga bansang nasa “Level 1: COVID-19 low” sa buong Southeast Asia.

Bago maisailalim ang isang lugar sa Level 1, kinakailangang mas mababa sa 49 ang bagong kaso sa kada 100,000 residente sa nakalipas na 28 araw.


Kahapon, umabot lamang sa 158 ang bagong kaso ng COVID-19 ayon sa Department of Health na pinakamababang naitala ngayong 2022.

Samantala, nasa Alert Level 3 o high risk naman ang mga bansang Germany, Greece, Ireland, Italy, Portugal, Spain, United Kingdom, Brazil, Canada, Egypt, Malaysia, Mexico, South Korea, at Thailand.

Facebook Comments