Muling nanawagan sa gobyerno ang Trade Union of the Philippines (TUCP) na mag-isyu na ng wage orders para sa sektor ng mga manggagawa.
Ayon sa TUCP, panahon na raw para tugunan ng gobyerno ang mabigat na pasanin ng mahigit 5-M Pilipinong minimum wage earners.
Ang TUCP ay nakapaghain na ng wage petitions sa 10 rehiyon na kinabibilangan ng National Capital Region (NCR), Region 7, Region 9, Region 10, Region 11, Region 12, Region 13, Region 4A, at Region 5.
Sunod pa silang maghain ng wage hike petition sa Region 1 at Cordillera Autonomous Region.
Nagbanta ang labor group na kanilang pananagutin si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III at ang National Wages and Productivity Commission (NWPC), ang Regional Wage Boards at iba pang ahensya ng gobyerno kapag nabigong tugunan ang kanilang kahilingan.
Nangangamba din sila na ipapasa na ang usapin sa susunod na administrasyon.
Kapag nangyari ito, hihilingin nila sa Regional Wage Board na magkaroon ng umento sa sahod sa unang 100 araw.
Pangalawa, ibalik ang labor relations system kung saan ang pagkakaroon ng employer-employee relationship bilang pangkalahatang pamantayan.
Isara ang mga butas sa labor-only contracting at tapusin ang endo.
Dapat manguna ang gobyerno sa paglikha ng 4 na milyong bagong trabaho sa susunod na 2 taon.
Ayon sa International Trade Union Confederation (ITUC) pang 10 na ang Pilipinas sa malalang bansa para sa mga manggagawa.
Base sa datus na hawak ng TUCP 4-M ang unemployed at 7-M Pilipino ang underemployed sa Pilipinas.