Pilipinas, ika-5 bansa sa mundo na may maraming hindi nareresolbang kaso ng media killings

Nananatiling pang-lima ang Pilipinas sa mga bansa sa mundo na may pinamabagal na pagresolba ng mga kasong pagpatay sa mga mamamahayag.

Ito ay base sa 2019 World Impunity Index ng New York-Based Press Freedom Watchdog na Committe to Protect Journalists (CPJ).

Ayon sa CPJ, ang Pilipinas ay palaging nalalagay sa listahan kada taon dahil sa madugong ambush sa 58 indibidwal, kabilang ang 32 mediamen sa Ampatuan, Maguindanao noong 2009.


Nasa 41 ang unsolved media killings sa bansa, kabilang ang Maguindanao massacre.

Sa nakalipas na 12 taon, palaging napapabilang sa index ang bansa kung saan mayroong lima o higit pang hindi nareresolbang kaso ng media killings.

Ipinunto pa ng CPJ na lumala pa ang rating ng Pilipinas.

Una nang sinabi ng Malacañan, na bubuti ang index ranking ng Pilipinas kapag lumabas na ang conviction sa kaso ng Maguindanao massacre.

Ayon kay Presidential Task Force on Media Security Executive Director, Undersecretary Joel Egco – inaasahang lalabas ang conviction bago ang ika-sampung anibersaryo ng massacre.

Giit ni Egco, magbibitiw siya sa pwesto kung ang mga primary suspect sa massacre ay na-acquit ng korte.

Facebook Comments