Pilipinas, ika-7 pa rin sa 2022 Global Impunity Index ng CPJ

Nasa ika-pitong pwesto pa rin ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang bigong mapanagot ang mga suspek sa pagpatay sa mga journalist.

Batay ito sa 2022 Global Impunity Index ng Committee to Protect Journalists (CPJ).

Sa ulat na inilabas noong Martes, nakasaad na mayroong 14 na hindi naresolbang kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag sa bansa.


Dagdag nito, may pangamba rin na magpapatuloy ang kultura ng karahasan at impunity sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos kasunod na rin ng mga pinakahuling kaso ng pagpatay kina Percy Lapid at Renato Blanco.

Samantala, sa ika-walong sunod na taon ay nanguna ang Somalia habang nasa 8th spot ang Myanmar na unang beses napasama sa listahan.

Batay pa sa pag-aaral ng CPJ, walang naparurusahan sa halos 80% ng 263 media killings sa buong mundo sa nakalipas na sampung taon.

Facebook Comments