Pilipinas, ika-limang bansang pumayag sa full face-to-face classes sa kolehiyo – DOH

Panglima na ang Pilipinas sa mga bansang pinayagan ang face-to-face classes sa kolehiyo.

Batay sa Department of Health (DOH), kasama ng Pilipinas ang Australia, New Zealand, United Kingdom, at Canada.

Pumayag na rin ang Singapore sa in-person classes ng mga hindi pa bakunadong estudyante sa kolehiyo, pero kailangan nilang dumaan sa dalawang ulit na testing kada-linggo.


Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, ang suporta ng DOH sa in-person classes ay base sa siyentipikong rekomendasyon na nagpapakitang mas malaki ang pakinabang ng in-person schooling kumpara sa panganib ng hawaan ng virus.

Kabilang dito ang pagpapalakas ng academic performance, pagpapahusay ng mental health, at paglinang ng social engagement skills o kakayanang makipagkapwa tao ng mga mag-aaral

Facebook Comments