Pilipinas, ikalawang bansa sa may pinakamaraming bilang ng naapektuhan ng matinding kalamidad nitong 2018

Pumangalawa ang Pilipinas sa 10 bansa pagdating sa dami ng taong naapektuhan ng matinding kalamidad nitong 2018.

Sa pananaliksik ng United Nations Office for Disaster Risk Reductions (UNISDR) aabot sa 62 milyong tao ang naapektuhan ng kalamidad.

Ang India ang nangunguna sa may pinakamaraming residente naapektuhan ng kalamidad na may halos 24 milyon, sinundan ng Pilipinas na may 6.4 million.


Kasunod ang China, Nigeria, Guatemala, Kenya, Afghanistan, U.S.A., Japan at Magadascar.

Base naman sa pag-aaral ng Center for Research on the Epidemiology of Disasters (CRED), mula sa 281 extreme weather events noong nakaraang taon, pang-sampu ang Pilipinas sa may pinakamaraming bilang ng mga nasawi.

Nangunguna ang Indonesia na may higit 4,000 ang nasawi dahil sa kalamidad, na sinundan ng India, Guatemala, Japan, China, Nigeria, U.S.A., Pakistan, Korea at Pilipinas.

Lumalabas din sa pag-aaral na ang lindol at tsunami ay mapaminsala kaysa sa anumang uri ng kalamidad kung saan nasa 10,000 buhay ang nawala nitong 2018.

Facebook Comments