Pilipinas, inaakusahang binabaliktad ang sitwasyon sa panibagong insidente ng pangha-harass sa WPS

Wala pang komento ang Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay sa isang article online na nag-aakusa sa mga barko ng Pilipinas na binangga umano at pinalubog ang isang bangka ng China.

Batay sa article ng isang Azernews, isang bangka umano ng China Coast Guard (CCG) ang pinalubog ng PCG matapos banggain ng sadya.

Nangyari ang sinasabing insidente sa Scarborough Reef o sa may bahagi ng Bajo de Masinloc.


Kaugnay nito, inaakusahan ng Beijing ang Pilipinas na binabaliktad umano ang sitwasyon sa nagpapatuloy na tensiyon sa rehiyon.

Kahapon nang kumpirmahin ng PCG ang panibagong insidente ng pangha-harass ng mga barko ng CCG at People’s Liberation Army (PLA) Navy sa gitna ng maritime patrol ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ito rin ang unang beses na gumamit ang China ng Navy warship sa pagbuntot sa mga barko ng Pilipinas.

Facebook Comments