Pilipinas, inaasahang magkakaroon ng matibay na relasyon sa US sa ilalim ni Pres. Joe Biden

Tiwala ang Malacañang na mas titibay ang relasyon at pagkakaibigan ng Pilipinas at Estados Unidos sa ilalim ni President Joe Biden.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nanaig ang demokrasya kasunod ng pagsasagawa ng US Elections kung saan nakakuha ng sapat na boto si Biden para mailuklok sa pagkapangulo.

Ipinapa-abot ni Roque ang kaniyang pagbati sa bagong pangulo ng Amerika.


Welcome din para sa Palasyo ang plano ni Biden na mag-alok ng legal status sa 11 million na tao sa US, kung saan kabilang sa makikinabang dito ay mga Pilipinong nandoon.

Si Biden ang ika-46 na presidente ng Estados Unidos.

Facebook Comments