Nakikiusap ang Embahada ng Pilipinas sa gobyerno ng Cambodia na huwag nang kasuhan ang nasagip na 20 Pilipinong ginawang surrogate mothers sa naturang bansa.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Department of Justice (DOJ) Usec. Nicholas Felix Ty na inilalaban ng Pilipinas na mai-apply sa mga biktima ang non-punisment o non-ciminality principle.
Itinuturing kasing krimen sa Cambodia ang surrogacy kaya maaaring maharap sa kaso ang mga Pinay na pinagdalang-tao para sa anak ng iba.
Iginiit ni Ty na maituturing itong human trafficking at ang 20 Pinay ay biktima lamang.
Ipinaliwanag ng opisyal na bagama’t hindi specific na binanggit ang surrogacy sa batas, malawak ang lengguwahe ng Trafficking in Persons Act kaya ang ganitong modus ay pwedeng mapasok sa illegal adoption o organ trafficking.