Pilipinas, ipagpapatuloy ang legasiya ng ASEAN sa 2026 — PBBM

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ika-58 anibersaryo ng ASEAN, kasabay ng pagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa at kooperasyon sa rehiyon.

Ayon sa Pangulo, ipinagmamalaki niya ang ambag ng Pilipinas sa pagtatatag ng samahan na nakatuon sa kapayapaan, pagtutulungan at pag-unlad.

Sa ilalim aniya ng temang inclusivity at sustainability ngayong taon, nananatiling buo ang pangako ng ASEAN sa kolektibong kaunlaran.

Tiniyak ng Pangulo na sa pag-upo ng Pilipinas bilang ASEAN Chair sa 2026, patitibayin pa nito ang kapayapaan at sabayang progreso sa Timog-Silangang Asya.

Facebook Comments