Sasali si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa economic briefing, maging sa roundtable meetings sa gagawin nitong state visit sa Singapore sa September 6 at 7.
Ito ang inihayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson at Ambassador Ma. Teresita Daza sa pre-departure briefing via zoom.
Aniya, layunin ng pakiki-pagpulong ng pangulo ay i-promote ang Pilipinas para maging investment destination na naglalayong magkaroon ng mas maraming trabaho sa bansa.
Una nang inimbitahan ni Singaporean President Halimah Yakob si Pangulong Marcos Jr., magsagawa nang state visit sa kanilang bansa.
Kaya maliban sa pakikipagkita ng pangulo sa presidente ng Singapore ay makikipagkita rin ang ito kay Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong para pag-usapan ang close bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Singapore maging ang regional at global issues.