Manila, Philippines – Bahagyang tumaas ng 6.5 hanggang 6.7 percent ang economic growth ng Pilipinas noong 2018.
Kaya para kay Budget Sec. Benjamin Diokno – isa pa rin ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamabilis na growth rate.
Ito ay sa kabila ng pagbagal ng economic growth ng Pilipinas mula noong Hulyo hanggang Setyembre ng nakaraang taon sa 6.1 percent dahil sa epekto ng mga nagdaang bagyo sa sektor ng agrikultura.
Itinuturing nga aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na “weakest link” sa ekonomiya ng bansa ang pangyayaring ito sa agriculture sector.
Gayunman, umaasa pa rin si Diokno na tataas sa 7 hanggang 8 percent ang economic growth ng Pilipinas sa mga susunod na taon.
Apela ng kalihim sa publiko, magtiwala sa pamahalaan dahil ginagawa naman daw nito ang ahat para maresolba ang mga problema sa ekonomiya ng bansa.