Isa ang Pilipinas sa may mabababang kaso ng COVID-19 kumpara sa ibang mga bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, bunga ito ng mga desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Inihalimbawa rito ng kalihim ang utos ng Pangulo na travel ban noong Pebrero para sa mga biyaherong manggagaling sa China.
Gayundin ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon na ipinatupad naman nitong Marso.
Isa po tayo sa may pinakamababa na bilang. Lumalabas, dalawa ang total case pero 1 million ang population… at kung ihahambing po natin ang mga mayayamang bansa ay di hamak na malayo-layo po ang ating ranggo kaya ito po ay nagsasalamin ng mga desisyon na ginawa po ng ating mahal na Pangulo.”
Si DOH Secretary Francisco Duque III.